KOMENTARYO Nakakatuwang isipin na sa panahon ng pananakop namamayani pa rin ang Kultura ng Pilipinas. Ginagamit pa rin ng mga Pilipino ang sariling wika na Tagalog, namayani pa rin ang mabubuting asal, ang pagrespeto ng bawat isa at higit sa lahat ay ang tiwala sa Poong Maykapal. Sa kabila ng malupit na pamumuno ng mga Kastila pilit parin na lumalaban para makabangon ang Pilipinas upang makamit ang inaasam-asam na kalayaan. Sa pagbangon ng Pilipinas bumangon din ang mamamayang Pilipino upang magsimula muli at kalimutan ang mga masasamang karanasan. Huwag kalimutan ang sariling atin, marapat lang natin itong alagaan at muling buhayin.
KOMENTARYO Kahit na naharap sa maraming pagsubok ang Timog Korea nanatili pa rin ang kanilang kultura. Sa pamamagitan ng digmaang Koreano ay nakabuo ng pamantayang wikang Koreano, nabuo nila ang wikang ito simula ng matapos ang digmaan. Kasama na dito ang pagkakaiba ng mga bigkas, pag-iiba ng mga pandiwa at talasalitaan. Mahigpt ang pamamahala sa bansang Korea pero kahit na mahigpit ang kanilang pamamahala ay may mabuti naman silang kaugalian katulad nalang ng paggalang sa mga matatanda at mga bata, ang bawal sa mga anak na lalaki na manigarilyo at uminom ng alak sa harap ng kanyang tatay.