KULTURA Ang Timog Korea ay isang bansa na matatagpuan sa Silangang bahagi ng Asya. Dahil sa kapaguran, napag-isipan nilang mga Koreano na iwasan munang makipagsalamuha sa ibang bansa upang mapagtuunang pansin ang pagpapatibay at lakas ng kanilang kultura. WIKA Ang wika ng Timog Korea ay ang Wikang Koreano, ito ang opisyal na wika ng parehong Hilagang Korea at Timog Korea. Ito rin ang isa sa dalawang opisyal na wika sa Nagsasariling Prepekturang Koreano ng Yanbian sa Tsina. Sinusulat ito sa alpabetong Hangeul. TRADISYON/KAUGALIAN -Ang pag-inom ng alak sa harap ng kanyang tatay ay tinuturing ng kawalan ng paggalang. -Palagi ng ina-address ng mga tao ang mga nakatatanda sa pormal na paraan bilang pagbibigay galang. RELIHIYON Ipinagtanggol ng saligang batas ng Korea ang kalayaan na pumili ng relihiyon. Ang buddhismo ay ang pinakamatagal na relihiyon sa buong Korea, kaya maraming templo ng makikita sa maraming lugar sa bansa. KASUOTAN Ang Hanbok ay ang tradisyunal na damit ng Korea. Binubuo ang pambabaeng hanbok ng naibabalot sa o palda at ng isang tila bolerong jeogori o tsaketa. Binubuo naman ang para sa kalalakihan ang maiksing jeogori at ng baji o pantalon. Kapwa maaaring patungan ang pambabae at panlalaking hanbok ng isang mahabang abrigo, ang durumagi, na may katulad na gupit o yari. Sa kasalukuyan, isinusuot ng mga Koreano ang hanbok para sa mga araw ng pagdiriwang o kasiyahan at para sa mga seremonyang katulad ng kasalan o paglilibing. PAGKAIN Naiiba ang Korean food sa ibang cuisines dahil sa iba't ibang klaseng side dishes (banchan) na inihahanda tuwing kumakain. Maaaring umabot mula 2 hanggang 12 ang mga side dishes tuwing handaan, at may iba't ibang sangkap ang mga ito. Tulad ng Pilipino mahalaga ang kanin sa bawat Korean Meal. Minsan noodles ang ipinapalit nila sa kanin, ngnit madalas kanin talaga ang kanilang kinakain gamit ang rice bowl. May inihahanda din silang mainit na sabaw na nakalagay sa kani-kanilang mangkok. -Kimchi, alam ng karamihan na ang kimchi ay gawa sa fermented na repolyo, ngunit ang totoo ay pwede ding gamitin ang ibang gulay, tulad ng daikon radish at pipino. Bilang national dish sinisabay ng mga koreano ang kimchi sa pagkain ng fried rice, sopas at iba pa. -Banchan, hindi matatawag na korean meal ang kanin kung wala ito o iba't ibang klase ng side dishes. Kimchi, namul, at jeon ang mga karaniwang klase ng banchan.